Gospel of The Mystery
...and to make all men see what is the Dispensation of the Mystery which for ages hath been hid in God who created all things. - Eph. 3:9
Study to shew thyself approved unto God, a workman that needeth not to be ashamed, rightly dividing the word of truth. - 2 Tim. 2:15
December 19, 2021
Mabuting Balita ng Kaligtasan (Tagalog)
Paano maliligtas ang isang tao?
Lahat ay nagkasala
Roma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagksala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos
Kaloob ng Diyos
Roma 5:8 Ngunit ipinakikita ng Diyos ang kanyang sariling pag-ibig sa atin dito. Noong tayo ay makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.
Juan 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa mundo kung kaya't ibinigay Niya sa atin ang Kanyang bugtong na Anak (JesuKristo) upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak (mawala) kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang tanging paraan tungo sa kaligtasan
Juan 14:6 Sumagot si Jesus, Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang makaparoroon sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
Roma 6:23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.
Roma 8:1 Samakatuwid, wala nang paghatol ngayon para sa mga na kay Kristo Jesus
Natatanggap mo ang libreng regalo ng kaligtasan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya
.
Efeso 2:8-9 Sapagka't sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at iyon ay hindi sa inyong sarili: ito ay kaloob ng Diyos: Hindi sa mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
Ipinapahayag mo ang iyong pananampalataya o paniniwala sa pamamagitan ng pagtatapat
Roma10:9 Kung sasabihin mo sa iyong bibig, "Si Jesus ay Panginoon," at naniniwala sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka.
Roma 10:10 Sapagkat sa pamamagitan ng iyong puso ay sumasampalataya ka at inaaring-ganap, at sa pamamagitan ng iyong bibig ay ipinahahayag mo ang iyong pananampalataya at naliligtas.”
Roma 10:13 Ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
Ang pananampalataya ay isang desisyon ng iyong puso na ipinapakita ng mga aksyon ng iyong buhay. Sinasabi ng Roma 10:9, "Kung ipahahayag mo sa iyong bibig, 'Si Jesus ay Panginoon,' at mananampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka."
Kung nagtitiwala ka na si Jesus ay namatay para sa iyong mga kasalanan at tumanggap ng bagong buhay sa pamamagitan Niya, manalangin ng isang panalangin na katulad nito upang ipahayag ang iyong pagsisisi at pananampalataya sa Kanya:
Mahal na Diyos, alam kong makasalanan ako. Naniniwala akong namatay si Hesus para patawarin ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko na ngayon ang Iyong alok na buhay na walang hanggan. Salamat sa pagpapatawad Mo sa lahat ng aking kasalanan. Salamat sa aking bagong buhay. Mula rito sa susunod na araw, pipiliin kong sundin Ka."
Ano ang susunod pagkatapos ng Kaligtasan?
1. Basahin ang Salita ng Diyos (Bibliya) araw-araw (Mga Gawa 17:11)
2. Find a Church where the Bible is read and where you can grow in faith
2 Pedro 3:18 Ngunit lumago kayo sa biyaya at kaalaman sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kanya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman! Amen.
Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. Ang Panginoon ay malapit na!
Iba pang website na mapagkukunan para sa pag-aaral ng Bibliya:
Paki click dito para sa PDF version para maipamahagi sa iba.
Paki click dito para sa Word version para maipamahagi sa iba.